Tugma sa panahon, aking nadaanan ang larawang ito.
Sa pagliligoy-ligoy ay muling nabanaagan ang kasaysayan ko.
Nang sa unang beses ay maranasan ng bansa,
Ang kalayaang kay tagal ipinagkait ng tadhana.
Alam ng lahat na sa lalawigan ko nagsimula,
ang itinala sa kasaysayan, ang umpisa ng simula.
Kaya't hindi pinalagpas nang magkaroon ng pagkakataon;
binisita at pinagmasdan ang katotohanan ng unang panahon.
Sa aking pakikipag-ulinigan sa mga sulat ng nakaraan,
Dinadala ako ng isipan sa ating magulong kasalukuyan.
Iniisip ang sitwasyon, ang kinagisnan nating 'ngayon',
Anong naghihintay? Gaano kaganda ang pagkakataon?
All Rights Reserved 2016
La Bulaqueña
No comments:
Post a Comment